EMMANEMS.

Melts in your mouth, not in your hands.
Recent Tweets @ejcmonsayac
Posts I Like
Who I Follow

Gusto kong maging photographer.
Yung magaling na photographer.

Gusto kong maging photographer para makunan ko ang magagandang lugar na pinupuntuhan ko.
Kahit yung mga hindi kagandahan, pwede na rin.

Gusto kong maging photographer para makita ng mga tao ang nakikita ko.
Ang iba’t ibang itsura ng isang bagay.
Gusto kong makita nila ang isang bagay sa ibat ibang anggulo.

Gusto kong kuhanan ng litrato ang anak ko.
Gusto kong makita nya kung pano siya lumaki.
Simula pagkabata hanggang tumanda sya,
ipapakita ko sa kanya ang mga litrato ng kanyang buhay.

Gusto kong maging photographer. Gusto ko dahil hindi ako madamot.
Gusto kong maging photographer. Gusto ko dahil masayang kumuha ng litrato.
Gusto kong maging photographer.

Isang araw. Magiging photographer din ako.

  1. ilovekenneth012 reblogged this from ejcmonsayac
  2. sommcascabel reblogged this from ejcmonsayac
  3. ejcmonsayac reblogged this from sommcascabel and added:
    Gusto ko din magkaroon ng studio :)) Ako na madaming pangarap! :))
  4. ejcmonsayac posted this